Dalawandaan preso ang pinalaya na matapos ibasura ang kanilang mga kaso sa isang “Mass Promulgation” na napagkasunduan ng Bureau of Jail Management and Penology at Department of Justice.
Ito’y upang mabawasan ang pagsisiksikan sa Quezon City at Metro Manila District Jails na magugunitang halos mapuno ng mga preso dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.
Karamihan sa mga bilanggo ay ikinulong dahil sa mga petty crime o light offense lamang gaya ng qualified theft at snatching kaya’t ibinasura.
Isa sa mga dahilan ng kanilang pagtatagal sa bilangguan ay ang usad pagong na hearing ng kanilang mga kaso.