Hindi na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
Ayon kay Pangulong Duterte, hangga’t mayroong pinapatay na mga sibilyan ang CPP-NPA, walang aasahan na usapang pang-kapayapaan.
“Ngayon, kung corrupt ako, kung pasista ako, kung mamamatay tao ako at DDS ako, then why talk to me?! Go find somebody else. Tapos they say that they fight for the people? What a lousy statement actually. Ayokong makipag usap sa kanya. Magpapahinga lang mga sundalo ko but we will also go to the offensive.”
Sa halip ay plano ng punong ehekutibo na mag-issue ng proklamasyon na maglalagay sa CPP-NPA sa terror list.
“Here is the most important thing, I will recognize them as a legitimate rebellious but with their continued deprivations, and killing innocent people and even an infant, 4 months old, I’ll be issuing a proclamation. I will remove them from the category of illegal entity or atleast a semi movement which would merit our attention…. pareho din sa America, terrorist. So beginning from now, wala ng rebellion rebellion because rebellion is a slight offense. It can be bailable. It’s up for the leader. We will file terrorist murder…arson… with murder, lahat na! Because I would consider them as criminals already.”
Samantala, may babala naman si Pangulong Duterte sa mga makakaliwang grupo.
“Now it’s a great conspiracy between itong mga bayan pati ano… they are with conspiracy when the rebellion is going on. We will study and maybe we will have a crackdown there somewhere. Nagsasawa na ako dito sa kalokohan nila.”