Idineklarang drug – free ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang Ormoc City na dating tinaguriang drug capital ng Eastern Visayas.
Ayon kay PDEA Officer Cleveland Villamor, pumasa ang dalawampu’t walong (28) barangay sa lungsod sa pamantayan ng PDEA na wala ng illegal drug trade, user at pusher sa nasabing lugar.
Bukod pa ito sa naunang walumpu’t dalawang (82) barangay sa lungsod na idinekalara nang drug free.
Tiniyak naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na pananatilihin niya ang naturang estado ngayong drug free na ang kanilang lungsod.
Nauna rito, sinabi ni Gomez na marami nang sumukong drug suspects at bumaba rin ang bilang ng krimen mula nang siya ay maupong alkalde ng lungsod.