Bubuksan na sa mga sibilyan sa susunod na linggo ang 10 pang baranggay sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, isasalin na nila sa lokal na pamahalaan ang kapangyarihan sa 10 baranggay na ito.
Sa ngayon mula sa 96 na baranggay sa Marawi, nasa 50 na ang maaari nang balikan ng mga residente.
Ibig sabihin nasa 36 na baranggay na lang ang hindi pa binubuksan sa mga sibilyan.
24 sa mga baranggay na ito ay nasa loob mismo ng main battle area kung saan matatagalan pa ang pagbabalik ng mga residente doon.