Tila napupuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militanteng grupo na wala nang nakitang mabuti sa mga ginagawa ng pamahalaan.
Ayon sa punong ehekutibo, karamihan sa mga grupong ito’y kilalang konektado sa mga komunista, partikular na ang grupong BAYAN.
Babala ng Pangulo, kung hindi maghihinay-hinay ang BAYAN sa mga walang saysay na pagtuligsa sa gobyerno, hindi sya magdadalawang-isip na buwagin ito.
Matatandaang sa nakalipas na 31st ASEAN Summit na isinagawa dito sa bansa, kabilang ang BAYAN sa nagsagawa ng kilos protesta at tinawag si Pang. Duterte na “fascist” o diktador.