Ginagawa ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang lahat ng kanilang makakaya para tiyaking malinis at ligtas na ang marawi gayundin ang buong Mindanao mula sa mga terorista.
Ayon iyan kay Major General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP makaraang linawin nito na wala pa silang pormal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao.
Sa panayam ng DWIZ kay Padilla, inamin nito na hindi pa rin nila batid hanggang sa ngayon kung ilan ang mga banyagang teroristang nagtatago ngayon sa bansa subalit makaaasa aniya ang publiko na hindi nila ito tinutulugan.
Maliban sa Marawi, sinabi ni Padilla na hindi rin nila tinatantanan ang iba pang galamay ng mga terorista tulad ng Jama’at Al-muhajirin Wa Al-ansar sa pamumuno ni dating Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Leader Abu turaifi at hindi aniya malabong kasama rito ang mga sinasabing foreign terrorist.
—-