Inaasahang makalilikha ng anim at kalahating milyong trabaho para sa mga Pilipino ang lumalagong industriya ng turismo sa bansa pagsapit ng taong 2022.
Ayon kay John Paolo Rivera, Associate Director for the Asian Institute of Management ng Dr. Andrew Tan Center for Tourism, magandang samantalahin na ng mga Pinoy ang pagkakataon para magtrabaho sa tourism sector dahil may magandang suweldo ang naghihintay sa kanila rito.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA noong isang taon, nasa 5.2 milyong mga Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa sektor ng turismo at inaasahang lumago pa ito ngayong taon.
Ito’y dahil sa katatapos pa lamang na ASEAN Summit kung saan, nakita ng mga negosyante ang magandang business climate sa Pilipinas na siyang hudyat para makapaglagak ng puhunan na siyang magiging daan para sa mas maraming trabaho.
—-