Sinang-ayunan ni dating Congressman at National Security Adviser Roilo Golez kapangyarihan ng Pangulong Rodrigo Duterte na iproklamang terorista ang New People’s Army o NPA.
Ayon kay Golez, pasok sa depinisyon ng terorista sa ilalim ng Human Security Act ang NPA.
Gayunman, mahabang proseso pa aniya ang daraanan nito dahil posibleng umapela ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines o CPP at magkaroon ng back channel negotiations.
Para kay Golez, mas makakabuti kung pag-aaralan muna ng Pangulo at kanyang mga advisers ang pasya nitong ideklarang terorista ang NPA at ihinto ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.
“Pag-aralan kasi kapag sinabi mong pag-aaralan yan, serious study, ikaw ay nagpapadala ng mensahe sa kabilang panig na yan ay nababahala ang gobyerno, ang kanilang gawa ay pinag-aaralan ngayon na maaaring maging dahilan para madeklara silang terrorist organization at yan ay makakasama sa kanilang imahe.” Pahayag ni Golez
(Ratsada Balita Interview)