Binaha ng mga reklamo mula sa mga motorista ang Twitter ngayong araw na ito.
Inirereklamo ng mga motorista ang matinding traffic sa EDSA partikular sa southbound at sinisi ito sa ipinatutupad na yellow lane.
Itinuturing na worst Monday traffic ever ng mga motorista ang hinarap na matinding trapiko sa unang araw ng linggong ito.
Samantala, malaki tulong ngayon sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘yellow lane’.
Ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Director for Operations Bong Nebria ay dahil naging kapansin-pansin ang mabilis na daloy ng trapiko sa southbound at northbound lane ng EDSA kaninang rush hour.
Batay sa rule ng MMDA, ang “yellow lane” ay eksklusibo lamang para sa mga bus, P2Ps, UVs, AUVs at ambulansya habang ang mga taxi, Grab, Uber at iba pang pribadong sasakyan ay bawal sa nasabing linya.
Paalala naman ng MMDA, tuluy- tuloy na ang paghihigpit nila sa ‘yellow lane’ at asahan na hindi nila palalampasin ang mga hindi susunod sa kanilang ipinatutupad.
(Arianne Palma)