Itinaas na ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio sa P300,000.00 mula sa dating P100,000.00 ang pabuya sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa nalalabing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 22 – anyos na bank employee sa Barangay Rosario.
Magugunitang naaresto kahapon ang unang suspek na si Randy Oavenada, 40 – anyos na truck driver.
Si Oavenada ang huling nakita sa lugar ilang oras matapos madiskubre ang bangkay ni Mabel Cama sa isang compound sa Ortigas Avenue Extension, noong Nobyembre 12.
Ayon kay Pasig City Police Chief, Senior Superintendent Orlando Yebra, nagtugma ang mga fingerprint ni Oavenada sa mga sample sa bangkay ng biktima at kanyang cellphone na narekober sa crime scene at nag – positibo din ang suspek sa paggamit ng iligal na droga.
Posible aniyang may kasabwat ang drayber dahil mahigit sa isang set ng fingerprint ang nakita sa cellphone ng dalaga.