Sinampahan na ng kasong rape with homicide ang pangunahing suspek sa pagpatay at paggahasa sa 22 – anyos na bank employee sa Pasig City.
Isinailalim na sa inquest proceeding sa Pasig Prosecutors Office ang suspek na si Randy Oavenada matapos itong iharap ng pulisya sa media.
Ikinanta din nito kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde ang mga pangalan ng mga kasama niya umano noong gabi nang mamatay ang biktimang si Mabel Cama.
Ayon kay Pasig Chief of Police Senior Superintendent Orlando Yebra, bukod sa fingerprint ni Oavenada, may iba pang fingerprint na nakita sa cellphone ng biktima na posibleng kasama ni Oavenada sa krimen.
Dagdag pa ni Yebra, hindi lamang sa apat (4) na persons of interest nakatutok ang Philippine National Police o PNP kundi sa iba pang posibleng testigo na makatutulong sa pagresolba ng kaso.
RD, NCRPO PDIR OSCAR ALBAYALDE w/ DD, EPD spearhead the press conference on the arrest of one of rape suspect, Randy Oavenada after his fingerprint match w/ the latent prints found in the cellphone of the victim &linoleum used to wrap victim’s body prior to burning @BatoUpdates pic.twitter.com/0DgocsumBs
— EPD PIO PaMaMariSan (@epdpio) November 20, 2017
PDIR OSCAR D ALBAYALDE, RD, NCRPO and PCSUPT ROMULO SAPITULA, DD, EPD while persuading the rape suspect to tell the police his cohorts or other accomplices #JusticeforMabelCama @BatoUpdates @DirectorPCRG @NCRPOReact @ncrpo_pio pic.twitter.com/NU9utjf40D
— EPD PIO PaMaMariSan (@epdpio) November 20, 2017