Isang aberya lamang ang naitala sa labinlima’t kalahating oras na operasyon ng MRT-3, kahapon.
Alas 8:16 kagabi nang pababain ang mga pasahero sa Buendia station-northbound sa Makati dahil sa technical problem.
Hindi naman tinukoy ng pamunuan ng MRT-3 kung ano ang sanhi ng technical problem.
Bagaman ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang aberya lamang ang naitala, mahabang pila pa rin ang sumalubong sa mga commuter sa North Avenue, Quezon Avenue, Cubao, Ayala at Buendia Stations.
Naitala ang mahabang pila sa kalagitnaan ng rush hour o simula ala 6:00 hanggang ala 7:00 ng umaga at ala 5:00 ng hapon hanggang ala 7:00 kagabi.