Tiyak na pag-aaralan munang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbabalik ng pulisya sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque makaraang linawin nito na hindi ura-urada o agaran ang pagbabalik ng PNP sa naturang kampaniya.
Magugunitang mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na kaniyang ibabalik sa PNP ang pamumuno sa war on drugs sa sandaling lumala ang problema ng iligal na droga sa bansa.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na batay sa kanilang pagbabantay, maganda naman ang performance ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa paghawak sa nasabing kampaniya.