Mariing itinanggi ng Dangerous Drugs Board Employees Union na may kinalaman sila sa sulat na naglalaman umano ng mga paratang laban kay dating DDB Chairman Dionisio Santiago.
Ayon kay DDB Employees Union Jo Ann Desiderio wala silang alam sa sulat na nagmula umano sa nagngangalang Priscilla Herrera.
Hindi umano kabilang sa union si Herrera na isang empleyado ng DDB.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang sulat umano ay ang pinagmulan ng alegasyon ng katiwalian laban kay Santiago.
Tumanggi din si Herrera na sa kaniya galing umano ang naturang liham at iginiit din na iba ang pirma nito.
—-