Ikinalugod ng Malakanyang ang desisyon ng Court of Appeals na pagtibayin ang pagpapasibak sa pwesto ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang iginagalang at sinasan-ayunan ang pasya ng Appelate Court.
Matatandaang, ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing petisyon ni Mayor Mabilog na humihiling na baligtarin ang desisyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin siya sa pwesto dahil sa hindi maipaliwanag na yaman.
Si Mabilog ay isa sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa hawak nitong listahan umano ng mga narco politicians.