Asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, tatlong weather system ang umiiral at nakaka-apekto sa bansa.
Una rito ang buntot ng cold front na nakakaapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon habang northeast monsoon naman ang umiiral sa Northern Luzon.
Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang isang Low Pressure Area o LPA na nasa labas ng bansa na inaasahang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa buong Mindanao.
—-