Nagdesisyon na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na huwag humarap sa itinakdang pagdinig ng Kongreso ngayong Martes, Nobyembre 22, para sa pag – determina ng probable cause sa inihaing impeachment complaint laban sa kanya.
Nakasaad sa liham na isinumite ni Sereno sa House Justice Committee na hindi na niya kailangan pang dumalo sa pagdinig dahil naipaliwanag na niya ang kanyang panig sa inihaing reklamo ni Atty. Larry Gadon.
Kalakip din ng liham ni Sereno ang special power of attorney para igiit ang `right to counsel` at payagan ang kanyang mga abogado na katawanin siya para makapag – cross examine sa mga testigong ihaharap ni Gadon.
Nasa 11 abogado ang itinalaga ni Sereno para humarap sa pagdinig sa kanyang impeachment case sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Samantala, hindi naman ito tinanggap ng Kongreso at iginiit na hindi maaaring depensahan ng kanyang mga abogado si Sereno.