Nauunawaan umano ni Senate President Koko Pimentel ang mga sentimiyentong ibinulalas ni Senador Manny Pacquiao.
Ito’y matapos na maglabas ng kaniyang pagkadismaya si Pacquiao bunsod ng sobrang pamumulitika at hindi pagiging totoo ng mga pulitiko.
Ayon ay Pimentel, handa niyang payuhan si Pacquiao sa sandaling magkausap sila at sinabing kaisa siya nito na handa ring talikuran ang mundo ng pulitika sa takdang panahon.