Pursigido ang pamahalaan na maisulong ang reporma at mga pagbabago sa sektor ng transportasyon sa bansa sa pagpasok ng susunod na taon.
Iyan ang inihayag ng Malakaniyang matapos ihayag na wala nang atrasan ang pagpapatupad ng phase out para sa mga luma at kakarag-karag na mga jeepney.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong ang Pangulo na ang nagbigay ng ultimatum sa mga luma at kakarag-karag na mga jeepney na umalis na sa mga kalsada.
Magugunitang sinabi ng Pangulo nuong isang buwan na siya mismo ang pipitpit sa mga lumang jeepney kapag hindi pa rin ito inalis sa kalsada dahil nagdudulot ito ng peligro hindi lamang sa kalusugan ng mga Pilipino kung hindi maging sa kalikasan.