Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo laban sa alegasyong pagnanakaw habang nakikipabakan ang mga ito sa mga Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, madalas niya puntahan ang mga sundalo habang nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa Maute Terror Group sa Marawi at hindi siya naniniwalang nagnakaw ang mga ito.
Normal aniyang gamitin ng mga sundalo sa giyera ang ilang mga inabandonang gamit pero hindi ang nakawin ang mga ito.
Kasabay nito nangako rin si Pangulong Duterte na kanyang pangangalagaan ang interes ng mga sundalo sa harap ng alegasyon ng Amnesty International na pag-abuso ng mga ito.
—-