Asahan na ang panibagong salary increase bunsod ng implementasyon ng ikatlo sa apat na tranches na dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno, sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Budget and Management o DBM, aabot sa 24 bilyong piso ang inilaan para sa government employees salary increase na nakapaloob sa 2018 proposed national budget.
Tinatayang 1.2 milyong empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa third tranche ng salary increase.
Saklaw ng compensation increase ang mga nagtatrabaho sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura habang kasama din sa compensation adjustment scheme ang mga nagta – trabaho sa government owned corporation at State Universities and Colleges o SUC’s.