Tinanggihan ng Department of Finance ang panukala ni Senator Panfilo Lacson na ibaba sa 10 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang Value Added Tax rate sa goods at services.
Ayon kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara, hindi pabor ang DOF sa panukala ni Lacson dahil mababawasan ang revenue at mawawala kinakailangang pondo para sa mga infrastructure project.
Layunin anya ng panukalang Tax Reform Acceleration and Inclusion na makapag bigay ng tax relief at itaas ang revenue.
Una ng inihayag ni Lacson na hindi naman bababa ang revenue kahit bumaba ang VAT Rate dahil tatanggalin ang napakaraming VAT exemption.
Sa pagtaya ni Lacson, aabot sa 117 billion Pesos ang VAT collection kapag tinanggal ang 78 mula sa 143 VAT exemptions.
Gayunman, ipinaliwanag ni Angara na may mga tinanggal na sa VAT exemption at hindi man nila tinanggap ang panukala ni Lacson na may mga dagdag VAT exemption silang tatanggalin na magiging daan para sa dagdag na revenue.