Pinag-iingat ng Canadian government ang mga mamamayan nito sa pagbiyahe sa Pilipinas dahil sa anila mataas na banta ng terorismo at kaso ng pagdukot.
Batay sa travel advisory ng Canada, pinayuhan nito ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang magtungo sa Mindanao kabilang ang mga lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan at Zamboanga.
Nabanggit din sa abiso ang nangyaring pagkubkob ng Maute terror group sa Marawi City at ang deklarasuon ng Martial Law sa buong Mindanao.
Kanilang ring pinag-iingat ang mga buntis at nais magbuntis na mga Canadians sa pagbiyahe sa Pilipinas dahil sa banta ng zika virus.
Magugunitang, una nang nagpalabas ng travel advisory ang Australia nitong Nobyembre, bago ang ASEAN Summit dahil umano sa banta ng mga terror attack.
—-