Walong mga miyembro ng US Navy ang nailigtas at nadala na sa USS Ronald Reagan sa Japan matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Habang patuloy naman ang magkatuwang na search and rescue operations ng Amerika at Japan sa tatlong iba pang nawawalang tauhan ng US Navy.
Nabatid na naghahatid ng mga kawani at kargamento ang C2-A Greyhound Aircraft mula sa Iwakuni Marine Corps Air Station patungong USS Ronald Reagan ship para sa joint exercises kasama ang Japan nang bumagsak ito.
Sa initial report ng US Navy nagkaroon ng problema sa makina ng nasabing aricraft kaya ito bumagsak.
Ito na ang ikalimang beses na nasangkot sa aksidente ang nasabing US Navy fleet nakabase sa Japan, ngayong taon.
—-