Ipinag-utos ng Pakistani Court ang pagpapalaya sa isang Islamist leader na inakusahan ng Estados Unidos at India bilang mastermind ng pag-atake sa Mumbia noong 2008 na ikinasawi ng mahigit 100 katao.
Ito ay matapos na mabigong patunayan ng gobyerno ng India ang pagkakasangkot ni Islamists Leader Hafiz Saeed sa nasabing pag-atake.
Si Saeed ay unang isinailalim sa House arrests sa Pakistan noong Enero matapos ang ilang taon nitong kalayaan.
Ilang ulit ding itinanggi ni Saeed ang pagkakasangkot sa pagpapasabog sa dalawang luxury hotels, isang Jewish center at istasyon ng train sa Mumbia na nagdulot ng tensyon sa pagitan ng Pakistan at India.
—-