Inalerto na ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang lahat ng himpilan ng mga pulis sa bansa hinggil sa posibleng kaliwa’t kanang pag-atake ng New People’s Army o NPA.
Ito ay matapos tuldukan ni Pangulong Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos partikular na inalerto ang mga lugar sa bansa na may presensya ng rebeldeng grupo.
Kasabay nito, handang ipatupad ng PNP ang kautusan ng Pangulo na walang ceasefire ngayong Kapaskuhan.
(Ulat ni Jonathan Andal)