Minaliit ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ang pagpasa ng panukalang batas na ilibre na rin sa buwis ang mga sumusuweldo ng hanggang P21,000 kada buwan.
Ayon kay TUCP Spokesman Allan Tanjusay, kahit pa lumaki ang take home pay ng mga manggagawa, kakainin rin ito ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin kapat ipinatupad ang anim na porsyentong pagtaas sa excise tax sa petrolyo.
Nagbabala si Tanjusay sa posibleng pagkilos ng mga manggagawa sa sandaling ipatupad ang mas mataas na tax reform package na kanilang tinututulan.
“Magkakaroon nga sila ng purchasing power, well kapag tumaas naman ang presyo (ng mga bilihin) hindi lamang sila ang mawawalan ng purchasing power mas lalo na ang ibang mangagawa na mas mababa ang sahod sa kanila, mas malaki at mas masama ang epekto nitong tax reform package sa lahat ng mga manggagawa kaysa sa ibinibigay nilang tax exemption doon sa sumasahod ng P20,000 a month.” Pahayag ni Tanjusay
(Ratsada Balita Interview)