Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang kahandaang magbalik sa kampanya kontra iligal na droga.
Pina – plano na umano ngayon ng PNP ang pagbabalik nila sa war on drugs.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Senior Superintendent Vimelee Madrid, may mga binago sila sa kanilang proseso para mapalakas pa ang kampanya kontra iligal na droga.
Gayunman, tumanggi pa si Madrid na banggitin kung ano ang mga binago nila sa proseso.
Hindi naman maipangako ng PNP na mababawasan ang pagdanak ng dugo sa pagsabak nilang muli sa anti – drug operations.