Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Commission on Elections o COMELEC Chairman si Commissioner Sheriff Abas kapalit ng nagbitiw na si Andres Bautista.
Sa isinapublikong appointment paper na may petsang Nobyembre 22, magsisilbi si Abas sa COMELEC hanggang Pebrero taong 2022.
Si Abas ay appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino at pamangkin ni Moro Islamic Liberation Front o MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal.
LOOK: Commissioner Sheriff Abas has been nominated to the post of Chairman of the Commission on Elections by President Rodrigo Roa Duterte pic.twitter.com/kX1Fr1y8nN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 24, 2017
Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si dating Solicitor General at Justice Secretary Agnes Devanadera bilang bagong Energy Regulatory Commission Chairperson.
Si Devanadera ay nagsilbi sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.