Muling idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mega drug – rehabilitation facility sa Nueva Ecija mula sa nakaraang puna ni dating Dangerous Drugs Board o DDB Chairman Dionisio Santiago.
Ayon kay Pangulong Duterte, kinontra nito ang komento ni Santiago na dapat ay pahintulutan ang isang drug – dependent na maging malapit ito sa kanyang mga kaanak habang dumaraan sa rehab.
Binigyang – diin ng Pangulo na kapag sumasailalim sa drug rehabilitation ang isang indibidwal, hindi pinahihintulutan ang isang dependent na makipagkita sa kahit kanino o mismong mga sariling pamilya nito.
Standard treatment aniya ito at ang ganitong set up ay kailangang tumagal ng isang taon.
Magugunitang bukod sa naturang komento, una nang sinabi ni Santiago na nagkaroon ng miscalculation sa hanay ng pagtatayo ng mega drug rehab at ang dapat na lamang anyang ginawa ay konstruksiyon ng regional rehabilitation centers.