Walo sa bawat 10 millennials ang kuntento sa istilo ng pamumuno sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base ito sa online survey ng Publicus Asia Incorporated na “Pahayag”.
Sa naturang survey, lumilitaw na 88 porsyento ng mga millennials o mga nasa edad 18 hanggang 36 ay aprubado at kuntento sa performance ng Pangulo sa unang dalawang taon niya bilang Pangulo ng bansa.
Nakakuha ang Pangulo ng pinakamalaking approval mula sa Mindanao na umaabot sa 94 na porsyento.
Labing anim na porsyento lamang ng mga respondent ang nagsabing sila ay dismayado habang 11 porysento ang nagsabing galit sila sa Pangulo.
Ang naturang survey ay isinagawa mula Nobyembre 5-12 sa may 1,200 respondents.
—-