Nagpalabas na ng bagong 10-peso coins ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na limited edition.
Naka-disenyo rito ang larawan ni Heneral Antonio Luna bilang paggunita ng bansa sa ika-150th birth anniversary ng bayani.
Matatandaang si Luna ang namuno sa mga tropa ng Pilipinas sa naganap na Philippine-American War.
Nakasulat din sa barya ang portrait ni Luna habang nakasaad ang Republika ng Pilipinas sa gilid na may denomination, mintmark at signature ng heneral.
Sa kabuuan, 10 milyon piraso lamang ng special Luna coins ang inilabas ng BSP na maaari nang makapagpalit simula kahapon, Nobyembre 24, sa cash department ng BSP main office sa Maynila.
Ayon sa Central Bank, magiging available naman ang commemorative coins sa lahat ng BSP branches sa buong bansa sa susunod na buwan.
—-