Binigyang diin ng Department of Agriculture o DA na walang dahilan para sumipa ang presyo ng bigas sa pamilihan.
Ginawa ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang pahayag kasunod ng napaulat na may nagaganap na pagtaas sa halaga ng bigas sa bansa.
Pahayag ni Piñol, self-sufficient naman ang bansa at walang kakapusan sa suplay ng bigas.
Gayunman, iginiit ni Piñol na dapat ding malinawan ang ulat na kontrolado ng rice cartel ang usapin sa rice industry.
Samantala, nilinaw naman ng National Food Authority o NFA na wala namang nagaganap na pagtaas sa halaga ng NFA rice dahil nananatiling P27.00 ang presyo ng regular milled rice at P35.00 naman ang well-milled rice.
—-