Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Southwest Turkey mag-a-alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa Kandili Observatory and Earthquake Research Institute ng Turkey, ang sentro ng lindol ay natukoy sa Aricilar Ula District, Timog Silangan ng Mugla Province sa Aegean Sea.
May lalim na 6.3 kilometers ang nasabing lindol.
Walang napaulat na nasugatan o nasawi at naitalang danyos mula sa naturang lindol.