Inamin ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kanyang pinipigilan ang tuluyang pagbibitiw sa puwesto ni Undersecretary Cesar Chavez.
Sa panayam ng programang ‘Sapol’ ni Jarius Bondoc, sinabi ni Tugade na hindi pa pinal ang desisyon sa pagbibitiw sa tungkulin ni Chavez.
Ayon kay Tugade, inirekomenda niya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag tanggapin ang resignation ni Chavez bagama’t irrevocable ang nasaad rito.
Patuloy rin aniya silang nakikipag-usap kay Chavez para hindi ituloy ang pagbibitiw sa puwesto.
“Wala pang kasiguraduhan kung talagang pinal na ang posisyon ng ating Usec. na si Cesar Chavez kung tuluyang aalis, we are reaching out to him at yung liham naman niya ay naka-address sa Pangulo, hihintayin po natin ang pinal na desisyon diyan ayoko pong pangunahan yun, bagamat nung finorward ko yung sulat sa Pangulo may letter din ako na kung maaari sana ay huwag tanggapin.” Ani Tugade
Gayunman, sinabi ni Tugade na kanila pa ring itinutuloy ang mga nasimulan na ni Chavez sa pagsasaayos ng operasyon ng MRT.
“Ito po yung tatlong approach na magkasama kami ni Cesar nung finormulate namin ito, ang una ay gagawin namin ang procurement by the department of some critical rehabilitation services and spare parts, second naghahanap kami ng reliable na maintenance provider, ang isang sinisipat namin diyan ay Sumitomo Mitsubishi, ikatlo, itong grupo ng MVP group na nagbigay sila ng unsolicited proposal, hindi pa pinal, pinag-uusapan pa lang at nagkakaroon pa ng negotiation.” Pahayag ni Tugade
(Sapol ni Jarius Bondoc Interview)