Target ng militar na tapusin ang clearing operations sa Marawi sa Abril ng susunod na taon
Ayon kay Col Romeo Brawner, Deputy Commander ng joint task force Ranao, ito ang ibinigay sa kanilang timeline ng task force Bangon Marawi na siyang mangunguna sa rehabilitasyon ng lungsod
Paliwanag ni Brawner, sadyang mabusisi ang gagawin nilang clearing operations kaya aabutin pa ito ng limang buwan
Kung dati anyay inaangat lang ng mga sundalo ang mga debris at yero para matanggal ang mga hindi sumabog na bomba, ngayon gumagamit na sila ng metal detector
Mahalaga anyang malinis mula sa mga bomba ang buong main battle area bago pabalikin ang mga residente at papasukin ang demolition team na maglilinis sa lungsod
Sa ngayon higit 2 ektarya pa ng main battle area ang kailangang isailalim sa clearing operations