Hindi pa dapat magdiwang sina dating Customs Chief Nick Faeldon at mga dating opisyal ng Bureau of Customs o BOC.
Ito’y kahit pa inabsuwelto sila ng Department of Justice o DOJ hinggil sa mahigit 6 bilyong pisong shabu shipment mula China.
Sa panayam ng DWIZ kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, bagama’t walang direktang kinalaman ang mga nasabing opisyal sa pagpupuslit ng shabu, hindi na man sila lulusot sa kasong katiwalian.
Sa usapin naman ng pagbibigay ng Christmas furlough kay Faeldon, sinabi ni Gordon na wala siyang magagawa kung pagbibigyan ang mga ito ng pagkakataong makalaya ngayong Kapaskuhan.
Magugunitang kapwa naka-detine sa Senado sina Faeldon at Aegis Juris President Arvin Balag dahil sa contempt.
—-