Aabot sa 2 bilyong piso ang halaga ng mga napipinsalang mga ari-arian dahil sa mga pag-atake ng New People’s Army o NPA.
Batay ito sa pagtaya ng Armed Forces of the Philippines o AFP mula sa mga naitalang pag-atake ng mga rebelde mula Enero hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, malaki ang epekto sa ekonomiya ng mga ginagawang panununog at paninira ng mga hinihinalang NPA sa ilang mga negosyo at establisyimento.
Iginiit ni Padilla na hindi lamang kapayapaan at kaayusan sa bansa ang nasisira dahil sa mga pag-atake ng mga NPA kundi maging ang ekonomiya ng bansa.
Samantala sinabi ni Padilla na mahigit 100 milyong piso naman ang halaga ng pinsalang naidulot ng pag-atake ng NPA noong 2016.
—-