Patuloy pang pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagbabalik sa Philippine National Police o PNP ng war on drugs.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque matapos igiit na hindi pa pinal ang desisyon ni Pangulong Duterte.
Aniya, batay sa kanilang huling pag-uusap, sinabi ng Pangulong Duterte na pinag-iisipan pa nitong maigi ang gagawing hakbang kaugnay ng usapin.
Pagtitiyak naman ni Roque, sakaling magka-usap sila ni Pangulong Duterte, kanyang agad na aalamin ang sagot nito kaugnay ng panunumbalik sa PNP ng pamumuno sa kampanya kontra iligal na droga.
Samantala, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya magdadalawang-isip na magbitiw sa puwesto kapag hindi kayanin ng pamahalaan na solusyunan ang problema sa iligal na droga.
—-