Pabor ang ilang kongresista sa pagpapatupad ng “odd-even” scheme sa EDSA bilang solusyon sa inaasahang problema sa trapiko sa kapaskuhan.
Inatasan ng komite ng Kamara ang Metropolitan Manila Development Authority at ang Metro Manila Council na mag-usap para maaari nang ipatupad ang “odd-even” scheme sa Disyembre.
Sa oras na maipatupad ito, dalawang beses sa isang linggo, ipagbabawal ang paglabas ng isang sasakyan, depende sa huling numero ng plaka nito.