Nanindigan si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi siya kailanman nakinabang sa katiwalian nuong siya’y isang pangkaraniwang abogado at hukom pa lamang.
Ito’y makaraang isama sa mga alegasyong tinatalakay sa House Committee on Justice ang pakikinabang umano ni Sereno nuong siya’y tumayong abogado para sa PIATCO o Philippine International Airport Terminals Corporation na siyang contractor para sa NAIA Terminal 3.
Sa isang panayam kay Sereno, iginiit nito na minsa na nga siyang sumalang bilang expert witness sa Sandiganbayan hinggil sa maanomalyang pagtatayo ng NAIA Terminal 3 na patunay aniyang hindi siya nakinabang dito.
Ipinagmalaki pa ni Sereno na siya pa nga ang nagbunyag na malaki ang inilugi ng gubyerno sa pagtatayo ng NAIA 3 dahil sa laki ng ginastos sa konstruksyon nito subalit lumalabas na mga substandard ang ginamit na mga materyales sa nasabing paliparan.