Tinatayang nasa 42,000 manok ang kinatay sa isang barangay sa Cabiao, Nueva Ecija nuong isang linggo.
Batay sa ulat ng pahayagang Inquirer, isinalang umano sa culling ang mga naturang manok mula sa isang poultry farm sa barangay Concepcion.
Magugunitang aabot sa 300,000 manok din ang kinatay ng Department of Agriculture sa bayan ng San Isidro makaraang tamaan ng bird flu outbreak nuong Agosto.
Gayunman, walang maibigay na paliwanag ang Provincial Administrator’s Office ng Nueva Ecija hinggil sa usapin habang kinukumpirma pa ito ng lokal na pamahalaan ng Cabiao.