Nagpakita na ng bangis sa kanilang opensiba ang New People’s Army o NPA nang salakayin ng mga hinininalang tauhan nito ang isang quarry site sa Kabankalan City sa Negros Occidental.
Ayon sa 1st Negros Island Geographical Battalion ng Armed Forces of the Philippines o AFP, tinatayang nasa P200,000 ang pinsalang idinulot ng nasabing pag-atake kung saan, pinasabog ng mga salarin ang isang backhoe sa barangay Orong.
Sinasabing pagmamay-ari ng barangay councilor na si Raquel Siguero ang pinasabog na heavy equipment at kinuha rin umano ng mga armado ang cellphone ng mga empleyado ng quarry site.
Ayon kay Lt/Col. Antonio Tumnog, commanding officer ng nasabing batalyon ng militar sa lugar, simula pa lang aniya ito ng mas matinding opensibang gagawin ng NPA makaraang tuluyan nang kanselahin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng rebeldeng komunista.
—-