Mahigpit na ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa pagharap sa Australia para sa susunod na round ng FIBA World Cup 2019 Asian Qualifiers.
Tiniyak ito ni Gilas Coach Chot Reyes bagamat suntok aniya sa buwan kung matatalo nila ang tropa ng Australia na fourth runner up sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.
Sinabi ni Reyes na kahit hindi maglaro ang mga Australian NBA players ay mahihirapan pa rin sila dahil sa presensya ng mga beteranong manlalaro na sina Chris Goulding, Brad Newley at Damian Martin.
Kasabay nito, ipinabatid ni Reyes ang pagsalba ni June Mar Fajardo sa Gilas para tuluyang talunin ang Chinese Taipei at makuha ang 2-0 na kalamangan sa Asian Qualifiers.
—-