Mananatiling sarado ang airport sa Bali, Indonesia dahil sa makapal na abo na ibinubuga ng Mount Agung Volcano.
Ipinabatid ito ng Transportation Ministry ng Indonesia matapos matakpan ng abo ang I Gusti Ngurah Rai International Airport.
Isang araw muli isasara ang nasabing airport samantalang muling binuksan ang Lombok Airport na una nang magdamag na isinara dahil sa pagsambulat ng Mount Agung.
—-