Nabunyag na hiniling umano ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Justice Secretary Vitaliano Arguirre na baguhin ang liham nito hinggil sa petisyong humihirit na ilipat sa Maynila ang pagdinig hinggil sa kaso ng Maute Terror Group mula Iligan City.
Sa pagharap ni Aguirre sa pagdinig ng House Justice Committee kaugnay sa deliberasyon ng impeachment laban kay Sereno, sinabi nito na hiniling sa kaniya ng Punong Mahistrado na huwag masyadong bigyang diin ang peligrong posibleng maging resulta kung sa Mindanao gagawin ang paglilitis.
Idinetalye rin ni Aguirre kung paano minanipula ni Sereno ang resolusyon ng High Tribunal para ibasura ang kaniyang hirit sa halip, ipinag-utos nito na ilipat na lamang sa Cagayan de Oro ang pagdinig sa kaso.
—-