Dumalo si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdiriwang ng ika – 25 anibersaryo ng Constitutional First Autonomy Group sa Parañaque City.
Ito sa kabila ng patuloy na pagdinig ng kasong impeachment laban kay Sereno sa Kamara, kung saan humarap naman ang si Associate Justice Teresita De Castro.
Sa naging speech ni Sereno, tinalakay nito ang rule of law at ang check and balance ng democratic institutions.
Kabilang din sa mga dumalo sa forum na may titulong “Katapatan, Karapatan, Katarungan at Karangalan” ay sina Ombudsman Conchita Carpio – Morales at Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon.