Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal ng Department of Budget and Management o DBM dahil sa isyu ng “kickback”.
Ito ang ibinunyag ng Pangulo sa kanilang cabinet meeting matapos umano niyang matuklasan ang ginagawang korapsyon ng isang nagngangalang Cuevas na isang Budget Undersecretary.
Dahil sa matinding galit ni Pangulong Duterte, agad umano niyang pinalabas ng meeting room ang opisyal at tuluyan itong tinanggal sa puwesto.
Giit ni Pangulong Duterte, walang problema sa karagdagang pondo na hinihingi ng mga opisyal ng gobyerno para sa kanilang tanggapan ngunit ang mali aniya ay ang malaking “kickback” na napupunta lamang sa sarili nitong mga bulsa.