Positibo ang naging assessment ni Atty. Larry Gadon sa maghapong naging pagdinig ng justice committee ng Kamara kaugnay sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gadon na matibay ang mga inilabas na ebidensya ni Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita De Castro laban sa Chief Justice.
Napatunayan talaga na maraming violations si Chief Justice Sereno. Malinaw na malinaw sa statements na sinabi ni… ng testimony ni Associate Justice De Castro.
At, ito ay backed – up with official documents. And, hindi lang ‘to, ang testimonial niya is from first hand knowledge being one of the participants in the incidence.
Dahil siya ‘yung nag – issue ng memo. Siya ‘yung kumausap kay Justice Sereno. Siya rin ‘yung gumawa ng TRO. Lahat ‘yun backed – up with documentary evidence.
Pinabulaanan naman ni Gadon na ang naturang pagdinig ay dahil sa alitan sa loob ng Korte Suprema.
Aniya, noong oras na pineke ni Sereno ang temporary restraining order (TRO) ay nag – commit na ito ng culpable violation sa constitution.
She committed a culpable violation in the constitution because she asserts the powers, the collegial powers in the Supreme Court.
Kasi hindi pwedeng Supreme Court si Justice Sereno. Ang Supreme Court ay silang lahat.
Kung ang usapan pala eh pwedeng palitan ni Justice Sereno ‘yung lahat ng resolution na gusto niya, eh bakit pa tayo na – involved? Edi sana siya na lang. Tawagin na lang nating Sereno Court.
Samantala, inihayag naman ni Gadon na nakatakda siyang maghain ng kasong graft and corruption laban kay Sereno sa Martes, Disyembre 5, sa Ombudsman.
Ngunit aniya, kung magre – resign ni Sereno ay hindi na niya itutuloy ang naturang kaso at wala na din aniyang magaganap na impeachment.
Wala nang impeachment at hindi na rin ako magfa – file ng case na graft and corruption.
Magfa – file ako sa Tuesday. Kasi ‘yung mga kontrata ng mga IT consultant ay napag – alaman na ‘yun pala ay iligal. Meron nang findings dyan, last week lang lumabas. Iligal dahil hindi dumaan sa tamang proseso. Magfa – file nga ako dahil sampung (10) kaban ng bayan ‘yung kanyang ginastos.