Nagbukas na ang international airport sa Bali, Indonesia na una nang nagsara ng tatlong araw dahil sa matinding abong ibinuga ng Mount Agung.
Ipinabatid ng mga otoridad ang pagbubukas ng Bali Ngurah Rai Airport matapos bahagyang kumalma ang nasabing bulkan.
Gayunman tiniyak ng mga otoridad ang mahigpit pa ring pag monitor sa sitwasyon ng naturang bulkan.